NAGA CITY – Sugatan ang limang katao sa aksidenteng kinasangkutan ng pampasaherong tricycle at motorsiklo sa Brgy. Binanuaan, Talisay, Camarines Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ng tricycle na minamaheno ni Ricardo Mabeza ang kalsada sa lugar sakay ang tatlong pasahero nang bigla itong mahagip ng motorsiklo na minamaneho naman ni Jomel Neri kasama ang backrider na si Elizabeth Neri.
Sinasabing nawalan ng kontrol ang motor na nagresulta sa pagbangga nito sa kanang bahagi ng tricycle.
Kaugnay nito nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang isinugod sa ospital.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang aksidente.