Humihingi ng dasal si Public Informatiom Officer Buddy Calzada para sa lahat ng biktima nang nangyaring pamamaril sa isang park sa Texas.
Tinatayang nasa 600 katao ang nasa parke nang bigla na lamang sila makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.
Ayon kay Calzada, lima ang sugatan dahil sa naganap na insidente bandang alas-syete ng gabi.
Kaagad namang dinala ang mga sugatan sa pinaka-malapit na ospital. Dalawa sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon.
Sa ngayon ay wala pang nakakalap na impormasyon ang mga otoridad tungkol sa pagkakakilanlan ng suspek.
Noong May 1 nang ma-expire na ang Stay at Home order sa Texas at sinimula nang luwagan ang ipinatupad na patakaran sa Estado. Bagama’t muling nagbukas ang mga parke ay hinihikayat pa rin ang mamamayan na sumunod sa social distancing measures.
“We’ve been stating that everyone would follow the rules that have been set out,” ani Calzada.
“We’ve tried to work with everybody to not try to cite them or ticket them but ultimately people have a choice and that’s just the choice they made tonight.”