earthquake1

Minor injuries ang tinamo ng limang indibidwal na nasugatan sa nangyaring 6.1 magnitude na lindol sa Magsaysay,Davao Del Sur kahapon kung saan apat dito ay mula sa bayan ng Makilala sa Cotabato at isa sa Kidapawang City.


Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, ang mga nasugatan ay dahil sa nabagsakan ng mga debris, agad naman sila isinugod sa hospital at ilan dito ay nakauwi na sa kanilang mga tahanan.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nasa mahigit 30 istraktura sa Region 11 at 12 ang iniulat na napinsala sa lindol.

May naiulat din kaninang umaga na nasa 45 indibidwal ang nadisplace sa Region 11 at kailangang I-relocate sa UP Mindanao Faculty and Staff Housing- Temporary Treatment and Monitoring Facility.

-- Advertisement --

Ayon kay Timbal sa datos ng NDRRMC, sa probinsiya ng Cotabato nasa nasa 13 kabahayan ang partially damage at dalawa ang totally damage.

Sa kabuuan, sa probinsiya ng Cotabato nasa 19 na mga kabahayan ang partially damage 2 ang totally damage.

Limang imprastraktura ang partially damage angg kabilang ang 2 simbahan sa M’lang, Cotabato; isang ospital sa Isulan, Sultan Kudarat; at dalawang pribadong gusali sa Kabacan, Cotabato ang napinsala.

earthquake2

Kinailangan ding ilikas ang mga pasyente ng Kidapawan Medical Specialist, Madonna Medical Center, at Kidapawan Doctors Hospital Inc, para ma-inspeksyon ang mga gusali, pero nakabalik narin.


Pitong landslides naman ang iniulat sa Makilala, Cotabato, at isa sa
M’lang, Cotabato.

Sinuspindi naman ng City Government ng Kidapawan at DepEd Cotabato School Division ang kanilang pasok ngayong umaga mula 8AM-12NN para sa structural assesment ng gusali.

Kahapon nagsagaawa ng damage assessment ang MDRRMO Mlang sa Sitio Biao, New Esperanza kung may mga naitalang pinsala ang lindol.