-- Advertisements --
image 302

Matapos maisapinal ng National El Niño Task Force (NENT) ang mga plano nito para tugunan ang mga epekto ng El Nino sa bansa, plano ngayon ng nasabing task force na tutukan ang ilang mga sector sa bansa na tiyak na maaapektuhan.

Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Sektor ng Tubig: Nais ng task force na tiyaking ang supply ng inuming tubig at patubog sa mga sakahan. Ilan sa mga kasagutan dito ay ang pag-iipon ng tubig-ulan, kasama na ang pagtitipid ng tubig.

2. Food Security: Pinapatiyak ng nasabing task force na tuloy-tuloy ang supply ng pagkain, katulad ng isda, gulay, karne, at iba pang pangunahing binibili ng mga konsumer. Pinapatiyak din dito ang normal o mababang supply, sa pamamagitan ng mahigpit na monitoring.

3. Enerhiya. Sa nasabing sektor, isusulong umano ng task force ang pagtitipid ng enerhiya o energy conservation.

4. Kalusugan: Imomonitor din ng task force ang mga karamdaman o mga sakit na nauugnay sa krisis sa tubig at mainit na panahon.

5. Security Sector: Pinapatiyak ng task force na mayroon pa ring peace and order sa kabila ng malawakang kakapusan o kakulangan ng tubig sa bansa.

Upang matutukan ang limang nabanggit na sektor, sinabi ni Civil Defense Administrator at National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Ariel Nepumoceno na obligado ang mga ahensiya ng pamahalaan na bahagi ng nasabing task force, na magbigay ng napapanahong update sa pamamagitan ng digital reporting.

Magiging real time umano ang pagbibigay ulat ng mga ahensiya upang napapanahon din ang gagawing tugon.