LAOAG CITY – Positibo ang resulta ng isinagawang search warrant operation ng mga otoridad sa Barangay Poblacion, Nueva Era.
Nakilala ang subject ng operasyon na si Mr. Arbie Domingo Tamayo, foreman at residente ing Pabahay Project Block 1, Lot 24 ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.
Ang search warrant ay inilabas ni Regional Trial Court (RTC) sa probinsya ng La Union dahil sa paglabag sa RA 9165.
Nakumpiska ng mga otoridad ang limang sachet ng hinihinalang shabu at isang glass tube tooter sa lagayan ng mga pinggan at kutsara sa kusina ng kanilang tahanan.
Kaugnay nito, sinabi ni Tamayo na wala siyang kinalaman sa nakumpiskang iligal na droga at inilahad na kung totoong gumagamit ng droga ay hindi niya ilalagay sa kusina.
Giit nito na hindi siya gumagamit ng iligal na droga kasabay ng kanyang akusayon sa mga otoridad na naitanim sa kanyang bahay.
Una ng inamin ni Tamayo na guumamit ng iligal na droga sa mga nakaraang taon ngunit matagal na niya itong itinigil.
Samantala, sinabi ni Police Lt. Tolentino Erum Jr., chief of police ng PNP-Nueva Era, lehitimo ang naisagawang search warrant operation kontra kay Mr. Arbie Tamayo.
Aniya, normal na nagakakaroon ng alegasyon ang mga subject ng operasyon.
Ipinaalam nito na si Tamayo ay isang drug surenderee at repeat offender dahil una ng nahuli noong 2014 ngunit naghain ng apela ay sa pamamagitan ng pyansa.
Maliban ditoy, sinabi ng hepe na si Tamayo ay isang Street Level Individual at lumalabas na konektado sa mga malalaking grupo na may operasyon sa probinsya.
Dagdag ni Erum na simula nang lumabas ng preso si Tamayo ay nagpatuloy ang monitoring dito at may mga report tungkol sa mga iligal na aktibidad nito.