LA UNION – Aabot na sa limang Pinoy ang binaiwan ng buhay dahil sa COVID-19 sa Paris, France.
Ito ang sinabi sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Joy Pimentel, isang OFW sa nasabing bansa, at tubong Barangay San Vicente, San Fernando City, La Union.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa France, sinabi ni Pimentel na muling pinalawig ni President Emmanuel Macron ang umiiral na lockdown ng hanggang hanggang Mayo 11.
Nauna nang nakatakdang matapos ang lockdown sa bansa noong April 10 sana.
Habang naka-lockdwon, tanging mga grocery stores at pharmacies lamang ang pinapahintulutang makapag-operate.
Mahigpit din ang patakaran para makapunta sa mga establisiyementong ito kung saan kailangan munang lumagda sa isang dokumento dahil may itinatakda lamang oras sa pamimili.
Bukod dito, mahigpit ding ipinapatupad ang pagsuot ng face masks sa tuwing lalabas ng bahay at sinumang lumabag dito ay maaring makulong at pagmultahin pa.