-- Advertisements --
Nasa limang katao ang nasawi sa naganap na avalanche ng pinakamalaking glaciers sa Italian Alps.
Sinabi ni Michela Canova ang tagapagsalita ng emergency services spokeswoman, na mayroon pang walong iba pa ang nasugatan ng bumigay ang makapal na yelo na nakapalibot sa Mt. Marmolada.
Dinala na agad sa pagamutan ang mga nasugatang bikitma.
Ang Marmolada glaciers ay siyang pinakamalaking uri sa mga Dolomites.
Sa dulo nito ay Avisio river na matatanaw ang Lake Fedaia.










