-- Advertisements --

Patay ang limang sibilyan sa nangyaring pagpapaulan ng Russia ng cluster bombs sa Mykolaiv, Ukraine.

Sinabi ni Mykolaiv City Governor Vitaly Kim na mayroong pang 15 katao ang sugatan sa nangyaring insidente na agad naman nilang itinakbo sa pagamutan.

Dagdag pa nito na ang isang nasawi ay nasabugan ng bomba na kaniyang pinulot.

Kinumpirma din ng Human Rights Watch (HRW) ang paggamit ng Russia ng cluster bombs.