-- Advertisements --

Lomobo pa sa 10,162 na ang bilang ng kabuuang mga overseas Filipinos na nahawa dahil sa COVID-19.

Iniulat ngayon ng DFA na kabilang sa nadagdag ang 11 kaso mula sa ilang mga bansa.

Limang mga kababayan din ang nadagdag sa mga nasawi na nagmula sa Middle East.

Sa ngayon ang death toll na mga Pinoy ay umaabot na sa 768.

Sa kabila nito dumarami rin naman ang gumagaling sa COVID-19 na meron pang panibagong 31 recoveries.

Nasa 75 na mga bansa na rin nagmula ang mga Pinoy na kinapitan ng virus.

“As DFA personnel in our Foreign Service Posts continues to report on the status of Filipinos abroad, the DFA assures the public its unceasing efforts in attending to the needs of our people and facilitating requests for repatriation, whenever possible,” bahagi pa ng statement ng DFA.