-- Advertisements --
Kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval na sinabak na nila ang limang opisyal ng Immigration dahil sa pastillas modus sa mga Chinese workers na dumarating sa bansa para magtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Aniya, patuloy din umano ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa mga sangkot sa P10 billion na pastillas modus o pagbibigay ng P10,000 para sa sinasabing red carpet sa mga Chinese.
Ang pagbabayad umano ng naturang halaga ay para hindi na dumaan sa masinsinang requirement ang mga Chinses na pinalalabas bilang turista.
Nangako si Sandoval na sa loob ng 15 araw ay lalabas na ang resulta ng imbestigasyon.
Sa ngayon, amidano si Sandoval na mahirap pang tukuyin ang mga sangkot sa naturang modus.