-- Advertisements --

Limang local pharmaceutical companies ang sumang-ayon na gumawa ng gamot laban sa sakit na tuberculosis sa bansa.

Kasunod ito ng naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga local pharmaceutical companies na gumawa ng homegrown medication laban sa nasabing sakit.

Ayon kay lead for Private Sector Advisory Council’s Health Sector Group Paolo Borromeo na sa ngayon ay mayroon nang limang local drug manufacturers ang sumang-ayon na makiisa sa national bids na isinagawa ng Department of Health.

Bahagi ito ng kolaborasyon ng Private Sector Advisory Council at DOH sa paglaban sa tuberculosis at human immunodeficiency virus sa pamamagitan ng paggawa ng mga lokal na gamot dito sa Pilipinas.

Kasabay nito ay tiniyak ng konseho na tutulungan nito ang mga local drug companies sa paggawa ng naturang mga gamot sa bansa, gayundin ang pagtulong sa pag-facilitate ng patuloy na implementasyon ng green-lane program kaalinsabay ng pagtiyak sa consistent preference nito para sa domestic o local bidders.