-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang limang indibidual matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawagan dahil sa nangyaring banggaan ng tatlong sasakyan sa bahagi ng Brgy. 13- Naglicuan, bayan ng Pasuquin.

Sinabi ni PMaj. Julius Basallo, hepe ng PNP-Pasuquin na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay patugong hilaga ang motorsiklo na minaneho ng isang residente sa Brgy. 29, Pasuquin at tinangka nitong mag-overtake sa kasunod na van na gamit ng isang residente ng Brgy. Poblacion 1 sa nasabi ring bayan.

Samantala, sinabi nito na dahil sa pag-overtake ng motorsiklo ay hindi nito nakita a kasalubong nitong kulong-kulong na minaneho naman ng isang 35-anyos na lalaki at lulan ang mga pasaherong may edad na 10, 50, 11 at pawang mga residente ng Brgy. 37-A Casilian sa bayan ng Bacarra.

Dahil dito, nagkabanggaan ang tatlong behikulo kung saan labis na nasira ang motorsiklo at kulong-kulong.

Ito rin ang nagdulot nga pagkasugat sa iba-at-ibang bahagi ng katawan nga mga biktima.

Agad na naitakbo ang mga ito sa Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital sa lungsod ng Laoag.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.