-- Advertisements --

Patay ang limang katao nang magbanggaan ang dalawang helicopter malapit sa Eura Airport sa kanlurang bahagi ng Finland noong Sabado ng hapon.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente bandang hapon malapit sa bayan ng Kauttua, kung saan matatagpuan ang mga debris ng helicopter sa layong 700 meter mula sa Ohikulkutie road.

Ayon kay Detective Chief Inspector Johannes Siirilä ng National Bureau of Investigation, lulan ng dalawang tao ang isang helicopter habang sakay din ng tatlong tao ang isa pang helicopter bago ito magbanggaan.

‘Five people have died in a helicopter accident near Eura Airport on Saturday,’ pagkumpirma ni Inspector Siirilä.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad kung ang mga helicopter ay papunta sa isang hobby aviation event. Ang National Bureau of Investigation ang namumuno sa imbestigasyon kasama ang mga lokal na pulis at awtoridad mula sa Finland at Estonia.