-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nahuli ang limang katao sa border checkpoint sa Badoc, Ilocos Norte dahil sa pagprisinta ng pekeng antigen result.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCapt. Joseph Tayaban, hepe ng PNP-Badoc, nanggaling sa Abra, Tarlac, Bulacan at Misamis Oriental ang limang katao para magdeliver sana ng alcohol sa malaking mall sa bayan ng San Nicolas at construction supplies sa bayan ng Currimao dito sa lalawigan.

Nalaman nila na peke ang antigen test result dahil walang dry seal, stamp mark at ang lagda ay hindi orihinal.

Dahil dito, haharap ang mga ito sa Falsification by private individuals and Used of Falsified Documents.

Nabatid na umaabot na sa 21 ang mga nahuling nagprisinta ng pekeng antigen test results mula Nobyembre.