-- Advertisements --
Inaresto ng mga Taliban ang limang kababaihan na nagsagawa ng kilos protesta sa Kabul, Afghanistan.
Ipinoprotesta kasi nila ang pagbabawal ng Taliban sa mga kababaihan na mag-aral sa mga unibersidad.
Kasamang naaresto rin ang tatlong journalist sa kilos protesta na ginanap sa Takhar province.
Mula ng ianunsiyo noong Miyerkules ang pagbabawal sa mga kababaihan na makapasok sa unibersidad ay naglagay na ang Taliban ng mga sundalo para sa mga kababaihan na magtatangkang pumasok sa mga unibersidad.