CENTRAL MINDANAO- Lima katao ang naisugod sa pagamutan nang araruhin sila ng military truck sa Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Roel Ordova,38 anyos,Sandra Ordova,35,Catherine Ordova,15,Sarah Savrilla,16 at Sahada Savrilla,12 anyos,mga residente ng Brgy Tambo Sultan Mastura Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na naglalakad lamang umano sa gilid ng kalsada ang mga biktima bitbit ang kanilang mga paninda patungong palengke ng mahagit na military truck ng Philippine Marines.

Agad namang dinala ng mga sundalong Marino ang mga biktima sa pagamutan nang magtamo sila ng sugat at pasa sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.