CENTRAL MINDANAO – Tumanggap na ng tulong ang limang bayan sa probinsya ng Cotabato na isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding init na nararanasan.

Ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng Pikit, Aleosan, M’lang, Alamada at Tulunan sa North Cotabato.

Sinabi Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Warning at Action officer Engr. Arnulfo Villaruz, sa pagsubaybay ng Pagasa napabilang ang Region 12 sa low amount of rainfall at halos lahat ng mga bayan ay nakakaranas ng sobrang init ng panahon.

Matinding naapektuhan ang ekta-ektaryang pananim sa tagtuyot at bumaba rin ang lebel ng tubig sa mga malalaking ilog.

Namigay na rin ng tulong ang provincial government sa pamamagitan ng Cotabato PDRRMC sa mga bayan na sinalanta ng tag-init.