SARANGANI PROVINCE – Nasira ng rumaragasang tubig-baha ang limang bahay sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Sitio Lower Lamcanal, Malandag, Malungon, Sarangani Province.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Office ng nabanggit na bayan, isang bahay ang totally damaged, habang apat naman ang partially damaged dahil sa malakas na agos ng tubig sa creek sa naturang lugar.

Naging madalas ang mga pag-ulan nitong linggo sa SOCCSKSARGEN (Region 12) dahil sa localized thunderstorms na pinalakas pa ng Inter-tropical convergence zone(ITCZ).

Nabatid na muntik na ring ma-trap sa kanilang bahay ang isang buong mag-anak dahil sa insidente subalit na-rescue rin ng mga otoridad.

Maliban sa mga bahay na nasira, dalawang motorsiklo at ilang mga alagang hayop ang inanod ng tubig-baha.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here