Patuloy ang imbestigasyon pulisya sa insidente ng tangkang pagdukot ng limang lalaki sa isang Chinese national nitong araw sa Makati City.

Naaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga suspek na sina Mark Anthony PareƱo, 24; John Muega, 24; Reyan Villanueva, 35; Joe Marie Lavilla, 31 at Chinese national na si Zhaochun Chen, 21.

Batay sa ulat, nasa gitna ng patrolya ang mga pulis nang maaktuhan ang pagdukot ng limang salarin sa biktimang si Ma Zhi Rui, 36.

Ayon sa pulisya, tinangka pa ng suspek na Chinese na suhulan ang kanilang mga operatiba ng P100,000.