-- Advertisements --
Asahan pa ang aftershocks sa Zambales, makaraang makapagtala rito ng 5.1 magnitude na lindol.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito kaninang alas-3:24 ng hapon.
Natukoy ang epicenter sa layong 71 km sa timog kanluran ng Santa Cruz, Zambales.
May lalim itong 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang naitalang pinsala sa inisyal na pagsusuri ng mga ekspertong nakabase sa Central Luzon.