-- Advertisements --
image 114

Lumagda sa isang kasunduan ang World Bank at Community Family Services International (CFSI) na nakabase sa Pilipinas para sa pagbibigay ng $4 million na halaga ng proyekto para suportahan ang sustainable livelihoods o kabuhayan ng mga dating combatant o fighters ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon sa World Bank, aabot sa 39,200 indibdiwal mula sa anim na rural communities sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mabebenipisyuhan mula sa nasabing proyekto.

Sinabi din ng financial institution na layunin ng proyekto na mapataas ang income mula a agrikultura sa pamamagitan ng capacity building at skills development para sa mga kooperatiba at grupo ng mga kababaihan, gayundin sa pagpapaganda pa ng mga imprastruktura at konstruksiyon ng mga pasilidad sa mga komunidad.

Ang Bangsamoro Development Agency na isang development arm ng MILF ang siyang mangunguna sa naturang inisyatibo sa mga komunidad.

Inaprubahan naman ng MILF at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang naturang proyekto noong Hunyo 6 ng kasalukuyang taon.