Umaabot na sa 4,000 inmates ang napalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng Marcos administration ayon kay BuCor chief Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr.
Kabilang sa mga pinalaya ayon sa BuCor chief ang mga persons deprived of liberty na kwalipikado para sa parole matapos na maisilbi ang kalahati ng kanilang sentensiya, mayroong good conduct at matatanda na.
Saad pa ni Catapang na pinag-utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagpapalaya sa marami pang mga inmates na matatanda na edad 75 anyos na pataas na mayroong sakit.
Inihayag din BuCor chief na madalas na naaantala ang pagpapalaya sa mga preso dahil sa kakulangan ng lagda mula sa mga opisyal ng gobyerno.
Giit nito na 50 taong napabayaan ang bureau kung saan huling pagkakataon na nakapagtayo ng piitan ay noon pang 1973 sa ilalim noon ng rehimen ng ama ng Pangulong Marcos Jr. na si yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Aniya, target na maalis ang new Bilibid Prison at makapagtatag ng bagong pasilidad sa loob ng 5 taon o bago matapos ang panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon.