-- Advertisements --

Nag-issue ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 60 diplomatic notes sa West Philippine Sea (WPS) sa ilalim ng Duterte administration ngunit 48 lamang dito ang tinugunan ng China.

Sa 60 notes verbales ay 45 dito ang inisyu sa ilalim ng pamumuno ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr, subalit hindi naman sinabi ng DFA kung alin sa mga diplomatic communications na ito ang sinagot na ng Beijing.

Noong nakaraang taon lang aniya ay iprinotesta ng pamahaal ang binabalak ng China na fire-control radar laban sa mga Navy vessel, gayundin ang hindi makatarungang radio challenges na naranasan sa himpapawid ng Pilipinas at maritime assets na nagpa-patrol sa karagatan.

Tinutulan din daw nito ang pagsasagawa ng scientific research ng Chinese vessels sa karagatan ng Pilipinas nang walang pahintulot.

Ipinagmalaki rin ng ahensya na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na nagsagawa ng diplomatic protest laban sa Coast Guard Law ng Beijing noong Enero 27, 2021.

Nagbibigay pahintulot ito sa Coast Guard ng nasabing bansa na atakihin ang anumang foreign vessels na nasa WPS na pinipilit namang angkinin ng China. Iginiit naman ng China na hindi ito ang kanilang layunin.

Samantala, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DFA sa China sa pamamagitan ng Bilateral Consultation Mechanism sa South China Sea upang talakayin ang iba’t ibang areas of concern at humanap ng ibang paraan para sa practical cooperation.