-- Advertisements --

Lumipad na patungong Israel ang 48 Filipino caregivers ngayong araw.

Bahagi sila ng unang batch ng 377 manggagawa na ipapadala sa Israel sa ilalim ng government-to-government track.

Ang track na ito ay resulta ng bilateral labor agreement na nilagdaan ng Pilipinas at Israel noong 2018.

Dito ay hindi na kailangan ng mga aplikante na dumaan sa mga private recruitment agencies.

Ang kailangan lamang nilang gawin ay mag-apply ng trabaho sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Layon ng setup na ito na matigil na ang pagsingil ng placement fees sa mga overseas Filipino workers na minsan ay umaabot ng hanggang P78,000 kada tao.

Sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na ang POEA na ang magha-hire, pipili at magdedeploy ng mga caregivers sa ibang bansa sa ilalim ng bagong track na ito.