-- Advertisements --
Nasa 45 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay nananatiling mahirap.
Sa pinakabagong survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS) na mayroong 33 percent ang nagsabing sila ay nasa gitna habang 22 percent ang nagsabing sila ay hindi mahirap.
Isinagawa ang survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1 at inilabas nila ito isang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Itinturing na ang survey ay mas nakakaangat kumpara noong March 2023 na nagsabing 51 percent ang nagsabing sila ay mahirap at 30 percent ang nasa borderline at 19 percent naman ang nagsabing sila ay hindi mahirap.