Umabot sa 45% ang bilang ng mga Pilipinong tutol sa pagbabago ng Saligang Batas na higit pa sa mga pabor dito sa 41%, ayon sa isang survey.
Ang survey ng Pulse Asia, na isinagawa noong March15 hanggang 19, ay nagpakita na ang 45% ng mga tutol sa charter change o Cha-cha ay bumaba mula sa 56% noong Setyembre ng nakaraang taon.
Ang bilang ng mga tutol sa Cha-cha ay umabot sa 51% sa Mindanao, 40% sa Visayas at 39% sa Luzon.
Gayunpaman, ang lahat ng mga nabanggit ay bumaba mula Setyembre 2022.
Tanging ang National Capital Region (NCR) lamang ang nakakuha ng tumaas na pagtutol sa Cha-cha na may 59% na bahagyang tumaas mula noong Setyembre taong 2022 na 54%.
Sa kabilang banda, tumaas naman sa 41% ang mga pumapabor sa pagbabago ng 1987 Constitution na isang 10-percentage point na pagtaas mula sa 31% noong Setyembre 2022.