-- Advertisements --
Sugatan ang 45 katao matapos ang naganap na pagsabog sa isang industrial plant sa northeast Moscow.
Dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima kung saan anim sa mga dito ay nasa malubhang kalagayan.
Nangyari ang pagsabog sa Zagorsk Optical at Mechanical Plant.
Ang nasabing planta ay gumagawa ng optical at optoelectronic devices para sa Russian military, law enforcement agencies, industry at healthcares.
Binuksan na ng Russian Investigative Committee ang criminal investigation sa nangyaring insidente.