-- Advertisements --
Nasa 44 percents ng mga Filipinos ang naniniwalang magiging maganda ang kanilang pamumuhay ngayong taon.
Ayon sa Social Weather Station na mayroon ding 44 percent ang nagsabing walang pagbabago ang kanilang pamumuhay ngayong taon.
Mayroon namang limang porsyento ang nagsabing mas magiging masama ang kanilang pamumuhay ang ang natitirang porsyento ay hindi nagbigay ng kasagutan.
Nangangahulugan na ito na bumaba ang pagiging optimistic ng mga tao na mayroon ngayon na +39 mula sa dating +42 noong nakaraang Setyembre.
Isinagawa ang survey sa 1,200 adults noong Disyembre 8-11, 2023.