CENTRAL MINDANAO-Bakas sa mga mata ng 44 na mga benepisyaryo ng National Housing Authority-Emergency Housing Assistance Program o EHAP ang saya matapos makuha ng mga ito ang tulong mula sa ahensya sa Kabacan Cotabato.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa Brgy. Pisan partikular sa mga Sitio ng Darusalam, Cueva, at Kalimudan. Matatandaang noong Agosto 2021 ng masalanta ang kanilang lugar ng buhawi na nagpatumba sa kanilang mga tahanan.
Sa mensahe ni MSWDO Susan Macalipat, ginunita nito ang agarang tulong na ipinagkaloob ng LGU sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. gabi ng manalasa ang buhawi.
Humingi naman ng paumanhin si NHA Regional Manager Engr. Zenaida Cabiles. Aniya, bagamat matagal na inantay ng mga Pisano ang nasabing ayuda, nawa’y magamit umano ito upang maipagpatuloy nila ang kanilang mga proyekto sa kanilang tahanan.
Siniguro din ni NHA Kidapawan District Manager Engr. Joel Reintar na laging nakaantabay ang NHA. Kanya ring pinasalamatan ang suporta at tulong ni Mayor Guzman upang agad na makapagsagawa ang NHA ng berepikasyon.
Siniguro din ni Vice Mayor Myra Dulay-Bade ang patuloy na kunlaran sa bayan at laging andito ang gobyerno upang ilapit sa publiko ang mga programa.
Tumanggap ng abot mahigit P 400,000 ang nasabing mga benepisyaryo.
Samantala, hindi naman napigilang maluha ni Gng. Noria Ampatuan nang ito’y magpasalamat sa NHA at tulong ng LGU Kabacan