-- Advertisements --
Marami pang bilang ng mga Pinoy sa abroad na kinapitan ng deadly virus ang gumaling na rin.
Ayon sa DFA, 42 mga nakarekober na kababayan ay nagmula sa Europa at sa Middle East.
Sa kabuuan meron ng 6,323 ang nakarekober.
Sa kabila nito meron namang nadagdag na 12 mga bagong kaso kung saan nasa 10,129 na ang total confirmed cases.
Ang death toll sa mga Filipino sa abroad ay umakyat na sa 763.
Meron din namang nadagdag na limang panibagon nasawi na OFW na nagmula sa Asia, Pacific at Middle East.
“The DFA, together with its Foreign Service Posts, continues to partner with host governments to ensure the safety and well-being of Filipino nationals abroad amid the pandemic.”