Pumalo na sa 42,000 doses ng booster shots ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines ang naiturok na sa bansa.
Ito ang inanunsiyo ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa matapos ang pagdating ng karagdagang 682,360 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan.
Inaasahan naman daw ng siyam na milyon na doses ang ituturok kapag isasali ang mga matatanda.
Umaasa si Herbosa na maituturok ang siyam na milyong booster shots sa katapusan ng taon para sa ating mga kababayan.
Una rito, pinayagan na rin ng pamahalaan ang pagtuturok ng booster shots para sa mga health workers at senior citizens ngayong buwan.
Dagdag ni Herbosa, habang ibinibigay ang booster shots para sa nga seniors at health workers sa tatlong araw na National Vaccination Days mula November 29 hanggang December 1 ay prayoridad pa rin naman nilang bakunahan ang mga fully vaccinated.
Ang mga COVID-19 vaccines na available sa bansa para sa dalawang doses ay kinabibilangan ng Sinovac, Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Moderna, Sinopharm at Sputnik V.
Ang Jannsen at Sputnik Light ay ituturok lang sa pamamagitan ng isang dose.
Ngayong araw, nasa 134 million na ang suplay ng COVID-19 dito sa bansa.