-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Tiningtingan ng City Government ng Legapzi na kakayanin nang maabot ng Albay ang 400 daily testing capacity sa coronavirus disease.
Ito ay matapos ang pagdating ng dalawang panibagong RT-PCR testing machine at hinihintay pa ang dagdag na swab laboratory equipment na inaasahan ngayong linggo.
Inihayag ni Mayor Noel Rosal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na na-install na ang mga naturang machine.
Maliban dito. nagpapasalamat rin si Rosal sa nagdonate ng 4,000 test kits kaya may sapat na umano na suplay.
Kasabay ang mga naturang kagamitan sa nasa P10 million na donation galing sa pribadong indibidwal.