-- Advertisements --

LA UNION – Pormal ng nanumpa nitong Hulyo uno, ang 400 mga bagong PNP recruits sa Rehiyon uno, sa San Roque Power Corporation sa San Roque, San Manuel, Pangasinan.

Ang oath taking ceremony ay pinangunahan ni PBGEN. Rodolfo Azurin Jr. ang kasalukuyang Regional Director ng PRO-1 at sinaksihan din ni PNP Chief, Police General Archie Gamboa, sa pamamagitan ng zoom app.

Sa naging talumpati ni PBGEN. Azurin pinayuhan at ipinaalala nito sa mga bagong recruit ang mga alituntunin sa training at ang sinumpaang responsibilidad ng mga ito sa bayan.

Sa nabanggit na 400 PNP recruits, 340 ang kalalakihan habang 60 ang kababaihan.

Agad sasabak ang mga ito sa ilang buwan na pagsasanay sa Regional Training Center 1 sa Aringay La Union.