-- Advertisements --
Aabot sa 40 mga inmate sa Ukraine ang patay matapos tamaan ng missile ng Russia ang prison facility.
Karamihan niya na nasawi ay mga prisoners of war kung saan mayroon ding 75 katao ang nasugatan sa prison facility na matatagpuan sa Olenivka na bahagi ng Donetsk province.
Itinanggi naman ng Russia na kagagawan nila ang atake at inakusahan ang Kyiv na nasa likod ng insidente dahil umano sa paggamit ng US-made HIMARS rockets.
Mariing pinabulaanan din ng Ukrainian army ang akusasyon ng Russia.
Ayon sa Russian defense ministery na ang nasabing pasilidad ay doon inilagay ang mga Ukrainian prisoners of war at kabilang sa nasugatan ang walong prison staff.