-- Advertisements --

Ikinabahala ng United Nations na mayroong 40 percent ng populasyon ng Gaza ay nanganganib ng kagutuman.

Ayon kay United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees Director Thomas White na araw-araw ay nagkukumahog ang mga residente ng Gaza para makapag-survive.

Nangangamba rin ito na baka sa mga susunod na araw ay madadagdagan pa ang bilang ng mga magugutom sa nasabing lugar.

Magugunitang mula ng pinaigting ng Israel Defense Forces ang kanilang military operations ay maraming mga residente ng Gaza ang lumikas.