-- Advertisements --
Nasa 40 kapulisan sa Ukraine ang sugatan ng makasagupa nila ang mga nagsagawa ng kilos protesta.
Sumiklab ang kilos protesta matapos ang pagdeklara ng paghihigpit para hindi na kumalat pa ang COVID-19.
Gumamit na ang mga kapulisan ng tear gas para mapalayas ang ilang libong protesters sa capital city ng bansa na Kyviv.
Ilan sa mga nasugatang pulis ang nagtamo ng chemical burns sa mata dahi may ilang protesters ang gumamit din ng tear gas.
Magugunitang nagpatupad ng karagdagang lockdown restrictions ang mga otoridad sa Ukraine at ang pagsingil ng buwis sa mga maliliit na negosyante.
Mula aniya sa Enero 8-24 ay sarado lahat ang mga non-essential business.
Aabot na kasi sa mahigit 900,000 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala.










