-- Advertisements --

Hinarang ng mga airport authorities ang apat na undocumented overseas Filipino workers (OFWs) na nagpanggap na turista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinagbawalan ng NAIA immigration officers na lumipad patungong Thailand ang apat na OFWs na dating nagtatrabaho bilang domestic workers sa Dubai.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga OFWs na palaging sundin ang mga patakaran at mag-comply sa mga requirements sa pagtatrabaho abroad.

Nagbabala rin ito sa mga illegal recruiters na ihinto na ang paghikayat sa pagtatrabaho abroad na walang wastong dokumento kung ayaw makasuhan ng human trafficking.