Reading Time: 1 minute

Sasalang na sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga aspirants sa chief justice post ng Supreme Court (SC).

Kasunod ito sa nalalapit na pagreretiro ni Chief Justice Lucas Bersamin sa Oktubre 18.

Ayon sa JBC, isasagawa ang interview sa Oktubre 2 sa Divison Hearing Room ng SC main building sa Padre Faura, Maynila.

Sa inilabas na advisory, unang sasalang sa interview sina Associates Justices Diosdado Peralta at Jose Reyes Jr. mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Sa hapon sasalang naman sina Associate Justices Andres Reyes at Estela Perlas-Bernabe mula alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.