TACLOBAN CITY – Dead on the spot ang apat na sundalo sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Barangay Apolonia, Paranas, Samar.

Ayon sa report, biyahe papuntang Catbalogan ang isang wing van nang makasalpukan nito ang tricycle na nagmamaniobra papunta sa kabilang linya ngunit nakabanggaan naman nito ang isang Toyota pickup.

Lulan ng pickup ang apat na sundalong nasawi na hindi muna pinangalanan.

Ang aksidente ay nagresulta rin sa pitong sugatan kasama na ang dalawang sundalo; tricycle driver na si Warren Dabut; isang Matt Raymond Barante; at sina Janica Obidos, Jella Bacay at Sheryl Sayasa, na pawang pasahero ng tricycle.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad at isinugod na sa ospital ang mga sugatang biktima.