KALIBO, Aklan — Mistulang literal na nag-drive thru ang isang kotse sa loob ng fast food chain dakong alas-6:00 ng umaga sa Roxas Avenue, Kalibo, Aklan.
Ito ay makaraang mawalan ng kontrol ang 60-anyos na driver ng Mercedes Benz at nagdere-deretso sa loob ng nasabing kainan.
Apat ang nasugatan sa insidente na kaagad na isinugod sa isang pribadong ospital. Ang iba sa mga customers ay nagtamo ng minor injuries matapos tamaan at maka-apak ng mga bubog ng nabasag na glass wall nito.
Maliban sa mga pagkain, nagkalat rin ang mga upuan at mesa sa loob.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, magpa-park sana ang driver na hindi muna pinangalanan, ngunit imbes na preno ay silinyador ang kanyang naapakan.
Sa kustodiya na nang Kalibo PNP ang driver na posibleng mahaharap sa kaukulang reklamo.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang driver ng kotse sa nangyari.