CAGAYAN DE ORO CITY – Sumuko sa militar ang apat na mga subleaders ng Islamic State sa Brgy. Indatuan, Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Kinilala ang mga surrenderee na sina Ibrahim Odin, Diya Musa, Daud Paglas at Yasser Abunawas na pawang mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) fighters.

Base sa report, si Odin ang lider ng BIFF brigade; si Musa ang lider ng battalion; si Paglas ang in-charge ng administrative tasks; at si Abunawas ang oversees operations.

Bitbit sa kanilang pagsuko ang isang .50-caliber Barrett sniper rifle, isang M16 rifle, isang rocket-propelled grenade launcher, isang improvised explosive device at mga bala.

Kung maaalala, umabot na sa 20 na mga BIFF commanders at miyembro ang sumuko sa gobyerno mula 2017 at naging benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.