Apat na senior officials ng Philippine Army ang nabigyan ngayon ng promosyon.
Ito ay matapos ang ginanap na donning of ranks ceremony ngayong araw sa Balangiga Hall ng Armed Forces of the Philippines General Headquarters sa Camp Aguinaldo na pinangunahan naman ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr.
Kabilang sa mga opisyal na umangat ang ranggo ay sina BGen Noe Alberto Peñafiel na Internal Auditor ng AFP , at si BGen Freddie Dela Cruz, ang Commander ng Special Operations Command ng AFP na kapwa na-promote sa ranggong Major General.
Habang sina Col William Peñafiel Jr., na commander ng 902nd Infantry Brigade, at Col Nasser Lidasan na Assistant Division Commander of 6th Infantry Division, ay natanggap ang kanlang kauna-unahang estrelya nang ma-promote sa ranggong Brigadier General.
Kaugnay nito ay hinimok naman ni AFP chief Brawner ang mga newly promoted generals na ipagpatuloy nila ang pagdadala ng karangalan sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pamamagitan ng patuloy na pagsusumikap at dedikasyon sa kanilang mga tungkulin.
Partikular na sa isa sa mga pangunahing layunin ng AFP na tutukan ang internal security operations at pagsasakripisyo laban sa insurhensya at pati na rin sa pagprotekta sa national stability ng Pilipinas.
Kasabay nito ay nagpaabot naman ng pagbati si AFP chief Gen. Brawner sa naturang mga opisyal para sa kanilang mga nakamit na panibagong milestone sa kanilang karera sa militar.