-- Advertisements --
Apat sa 10 mga Filipino ang naniniwala na ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program ay dapat maging optional lamang sa mga curriculum ng mga senior high school students.
Ayon sa survey mula sa Social Weather Stations na 42% ang nagsabi na dapat ay optional na lamang ang ROTC kung aan ang mga mag-aaral ay mayroong option na pumili ng community service bilang atlernative.
Sa 1,200 na katao na kabilang sa survey ay 35% ang nagsabi na dapat gawing mandatory course ito para sa Grade 11 at 12 students.
Magugunitang nakabinbin pa rin sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagdagdag sa kurso sa college.










