-- Advertisements --

Patay ang apat na katao matapos ang paglusob ng mga armadong kalalakihan sa ethnic Serbian-majority region sa Kosovo.

Ayon sa mga kapulisa ng Kosovo, na isang opisyal nilat at tatlo sa nasa 30 mga suspek ang nasawi sa ilang oras na palitan ng putok.

Nagkulong sa loob ng Serbian Orthodox monastery temple ang mga monks at pilgrims hanggang matapos ang putukan.

Bagamat wala pang grupong umako sa insidente ay inakusahan nina Kosovo Prime Minister Albin Kurti at Interior Minister Xhelal Svecla ang mga Serbian criminals na nasa likod ng nasabing atake.

Karamihang naninirahan sa Kosovo ay mga ethnic Albanians na dating probinsiya ng Serbia.

Hindi matanggap kasi ng Serbia ang declaration of independence ng Kosovo noong 2008 at kanila pa ring kinikilala ang Belgrade bilang kanilang capital ng mahigit na dalawang dekada.

Kinondina ng ilang mga lider ng bansa ang nasabing insidente.