Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPAs) nang makasagupa ang mga sundalo kaninang alas-2:00 ng hapon sa may Sitio Umagos, Brgy Mabunga, San Francisco, Quezon kung saan tatlong matataas na kalibre ng armas ang narekober ng militar.

Ayon kay 2nd Infantry Division spokesperson Captain Xy-zon Menesses na nakatanggap ng impormasyon ang tropa mula sa 2nd Jungle Fighter Company (2JFC) sa ilalim ng 201st Brigade kaugnay sa presensiya ng armadong grupo na hinihinalaang miyembro ng NPA.

Ayon kay 201st Brigade Commander Col. Lenard Agustin, walang naitalang casualties sa hanay ng mga sundalo pero apat sa panig ng rebeldeng NPA.

Nakarekober din ang mlitar ng tatlong matataas na kalibre ng armas, dalawang AK47 at isang M16 Rifle.

Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang pursuit operations ng mga sundalo laban sa mga rebeldeng NPA.