Hindi bababa sa apat na katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang tren sa lungsod ng Bekasi, malapit sa kabisera na Jakarta, nitong Lunes ng gabi.
Nangyari ang aksidente sa Bekasi rail station kung saan nagsalpukan ang isang commuter line train at isang long-distance train.
Kinumpirma naman ni ng railway operator ng Indonesia, na apat ang kumpirmadong nasawi habang 38 iba pa ang dinala sa mga kalapit na ospital.
Nagbabala si Deputy Speaker Sufmi Dasco Ahmad na maaaring tumaas pa ang bilang ng mga biktima dahil nagpapatuloy pa ang rescue operations.
Ayon sa mga ulat, tinatayang anim hanggang pitong tao pa ang naiipit sa loob ng mga bagon, kung kaya’t patuloy ang pagputol ng mga rescue team sa mga bakal na bahagi ng tren upang mailigtas ang iba pa.
Kaugnay nito isinasagawa narin ng Jakarta Police ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng banggaan.
Namataan din ang hindi bababa sa 20 ambulansya sa lugar ng insidente, habang tumutulong ang mga rescuers mula sa national disaster at rescue agencies sa paglikas ng mga pasahero.
Inaasahang maglalabas pa ng karagdagang detalye kaugnay ng insidente ang mga awtoridad sa mga susunod na oras.











