-- Advertisements --
Patay ang apat na sundalo ng US matapos na bumagsak ang eroplanong sinasakyan sa Norway.
Kabilang kasi ang mga ito sa training exercises na ginagawa ng mga bansang kasapi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Sinabi ni Norweigan Prime Minister Jonas Gahr na labis nilang ikinalungkot ang pangyayari.
Base sa imbestigasyon na lulan ng MV-22B Osprey aircraft ang nasabing mga sundalo na nakatalaga sa II Marine Expeditionary Force (MEF) US military unit.
Bumagsak ang nasabing eroplano sa bayan ng Belma sa Norway.
Pawang mga miyembro ng US Marine Corps ang apat na nasawi.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.