-- Advertisements --
sr citizen Negros Oriental

(Update) CEBU CITY – Narekober na ng mga kamag-anak ang apat na senior citizen na nasawi matapos na masagasaan ng isang pick-up truck sa bayan ng Jimalalud, Negros Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Staff Sergeant Joey Patoc ng Jimalalud Police Station, sianbi nito na mula sa lungsod ng Dumaguete ang pick-up truck at minamaneho ni Robert Lim, 62, habang ito ay pauwi na sa Brgy. Hilagang Poblacion sa bayan ng Jimalalud nang ito ay mawalan ng kontrol sa kanyang minamaneho at bumangga sa tindahan kung saan naroon ang apat na matanda.

Nagkakape lang ang mga biktima at hindi inaasahang mamamatay sa aksidente.

Kinilala ng mga otoridad ang mga senior citizens na sina Milagros Garsula, 82; Herminigilda Gantalo, 76; Lydia Garsula, 72, at Remedios Fabillar, 65.

Habang ang drayber na si Lim ay nakaratay pa sa ospital matapos tumaas ang blood pressure at magtamo rin ng minor injuries.

Ayon sa pamilya ni Lim na handa silang akuin ang lahat ng mga gastos sa pagpapalibing sa mga biktima.

Kakaharapin naman ni Lim ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property kung magsasampa ng kaso ang mga pamilya ng mga biktima.

negros oriental senior citizen