Inilagay na sa Code Blue alert ang 4 na rehiyon kasama ang mga ospital ng Department of Health kasunod ng iniwang pinsala ng nagdaang bagyong Carina at habagat.
Ayon kay Department of Health Secretary Ted Herbosa, kabilang sa mga rehiyong ito ang Metro Manila, Ilocos region, Calabarzon at Central Luzon.
Ang code blue ang ikalawan pinakamataas na alerto, kung saan sa ilalim nito mayroong 50% agency resource mobilization, ibig sabihin papakilusin ang mg team para mag-augment sa existing regular na pang-araw-araw na resources at para tumulong sa mga apektadong lugar o gamutin ang mga pasyente.
In-activate na rin ang Incident Command System ng DOH at nagsagawa ng coordinative meeting kasama ang health clusters gayundin ang pagsasagawa ng koordinasyon sa NDRRMC sa ilalim ng naturang alerto.