-- Advertisements --
LA UNION – Apat na mga police officers sa La Union ang na-reshuffle o inilipat ang assignment.
Base sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo La Union, si P/Maj. Danilo Ligayo na dating hepe ng pulisiya sa bayan ng Bauang ay madedestino sa La Union Police Provincial Office (LUPPO) habang hahalili sa kanya sa naturang puwesto si P/Maj Rogelio Miedes na manggagaling naman sa LUPPO.
Samantala, si P/Maj Bernabe Oribello na dating chief-of-police sa bayan ng San Juan ay maa-assign sa 2nd Provincial Mobile Company.
Habang ang Officer-in-Charge ng San Juan PNP ay si P/Capt Gerardo Macaraeg mula sa Aringay Police Station.
Ang nasabing reshuffling ay bahagi ng regular na routine ng Phil. National Police, alinsunod sa direktiba ng liderato ng PNP.










